Skip to Content

Alam mo bang hindi patas ang coin toss?

Hindi bago sa mga pilipino ang pag gamit nang coin toss o toss coin upang mapag desisyunan ang mga bagay bagay lalo na sa mga pagkakataong hindi tayo sigurado kung alin ang dapat piliin.


Kamakailan lamang, nagiging mas popular ang pag gamit nang paraang ito dahil sa mga sikat na vlogger o content creator na gumagamit nang coin tossing para mapagkasunduan ang presyo o halaga nang kanilang bibilhin o ibebentang produkto.


Madami ang gumagamit nang paraang ito dahil sa paniniwala na ito ay patas at may tiyansang 50 - 50, kamakailan lamang, may mga pag - aaral na lumabas ukol rito ang Amerikanong matematikal na si Persi Diaconis na ang pagbato ng barya ay hindi kasing random ng ating iniisip. Ipinakita niya na ang bahagyang pag-ikot at precession na dulot ng pagbato ng barya ay nakakaapekto sa kung paano ito lumalanding o bumabagsak, na nagdudulot ng tinatawag na "same-side bias." Ibig sabihin, may mas mataas na pagkakataon na mapunta ang barya sa parehong side na sinimulan nito.


Sa kanyang mga naunang pag-aaral, natuklasan ni Diaconis na ang barya ay may mas malaking tiyansa na mag resulta sa kung ano ang unang posisyon nito o kung anong side ang nakalitaw rito.


Sa kanilang pag-aaral na may 48 na kalahok, nagbato sila o nag coin toss ng mahigit 350,000 na beses mula sa 46 na iba't ibang uri nang coins at nag resulta na may 50.8 chance na mapunta ang barya sa parehong side na sinimulan nito.


Bagaman maliit ang diperensya na ito, nagpapatunay lang na hindi sya kasing patas nang katulad sa nakasanayan o iniisin natin.



Alam mo bang hindi patas ang coin toss?
Jasper March 2, 2025
Share this post
Archive
Sign in to leave a comment